Rockstar ka ba?

Sa loob na rin ng ilang taon kong pagsalang sa entablado, pag harap sa musika, loob at labas, naranasan ko na ang lahat na puedeng mangyari sa akin at sa banda, pero hindi nagiging sanhi ito para kumawala ako sa gusto kong gawin.
Ang nakakawala lang gana minsan, eh ung mismong kayo na nasa loob ng eksena ang nag-aaway-away.. banda sa banda.. na hindi mo naman malaman kung bakit… inggitan, siraan, hilahan pababa, yabangan, ugaling talangka.
Ang musika ay hindi kompetisyon, at kahit kailan hindi magiging kompetisyon. laging meron magaling at meron din naman gagaling pa, pero hindi ibig sabihin noon ay dapat tapakan, yabangan at manira ng ibang banda.
Uulitin ko, sa musika, musika lang… hindi ito kompetisyon, ito ay sining. tayo ay mga musikero at ang layunin natin (siguro para sa nakakarami) ay pag – aralan ang sining at ipamahagi ang nalalaman sa mga tao. hindi ipagmayabang o ipagmalaki kundi ipamahagi.
Ang banda ay isang grupo ng musikero na nais ipamahagi (hindi ipagyabang at ipagmalaki) ang kanilang musika. isang grupo na nagkasundo na pagsama-samahin ang kanilang mga kaalaman sa musika at instrumento upang makalikha ng isang bago o ‘di kaya ay lumang tugtugin.
Sa aking paglalakbay sa mga tugtugan (gigs) marami akong natutunan ( isa na ang ‘wag magpakalasing bago tumugtog) at nakita. Merong mga banda na ang nais lang ay sumikat, kumita ng pera, gamitin ang musika para sa personal na ambisyon, ang makalikom ng mga materyal na bagay na maaring ipagkaloob ng kanilang sining. ipakitang magaling sila sa kanilang napiling instrumento at idiin un sa iba namang banda.
Kung ganung kayong mga tao, wag nyo nalang kami idamay, masaya kami sa mundo namin na iniikutan lang ng totoong sining.
Walang awayan, walang ingitan, walang asaran, walang “rockstar”
Walang masama sa mga nasabi ko, sino bang tao ang walang ambisyon, sinong tao ba ang walang nais na makuha, at walang masama kung mag-ambisyon ang isang tao.
Ito ay akin opinyon lang…
